Featuring Ponds and Pines View Resort by Janet C. Agustin

Naghahanap nang mapupuntahan sa bakasyon? Kung kayo ay mahilig lumangoy at hanap niyo ay pool, punta na sa PONDS AND PINES VIEW RESORT.

 

This slideshow requires JavaScript.

Ang PONDS AND PINES VIEW RESORT ay matatagpuan sa WLAC Rd. Barangay Nagbunga, San Marcelino, Zambales. Isa ito sa dinadayuhang puntahan ng mga mamayanang Marcelineans dahil sa taglay na kagandahan, kalinisan at kalawakan ng resort na ito. Ang resort di na ito ay perfect para sa family reunion, team building, party at kahit ang wedding reception o kaya ang mismong kasal ay pwedeng pwedeng ganapin dito. Kahit anong okasyon man yan ay maaring pagganapan ang resort na ito. Isa rin ito sa dahilan kung bakit maraming tao ang pumupunta rito.

Ang resort na ito ay may dalawang pool, ang pool para sa bata at ang pool para sa matatanda. Ang pool para sa bata ay may lalim na 4 ft. Meron din itong mushroom sa gitna na nagsisilbig fountain para sa bata na nagbibigay kaaliwan para sa kanila. Ang pool para sa matatanda na may lalim na 6 ft. at may slide para naman magbigay aliw sa mga nakakatanda na mahilig lumangoy.

Kung pagod ka naman nang lumangoy ay maaari rin tayong maglaro dito dahil may nakalaan na space para sa palaruan. May playground na matatagpuan dito sa resort na ito na magbibigay din ng aliw sa mga bata. Meron ding basketball court na maaaring paglaruan ng mga binata. Dahil sa lawak ng resort na ito, may nakalaan din na space para sa gustong maglaro ng volleyball. Maaari rin gamitin ang malaking espasyo para sa mga gagawing activity ng inyong grupo.

Ang Ponds  and Pines View Resort ay complete package na. Kaya ano pang hinihintay niyo? TARA NA…  Ating gawing memorable ang bawat bakasyon at huwag papalagpasin na puntahan ang PONDS AND PINES VIEW RESORT.

 

Leave a comment